Birit na, sa bahay mo.

Sarili mong mga kanta, remote sa phone ng lahat, at iskor pagkatapos ng bawat birit.

I-download ang BiritBox

v0.4.1 · 11.7 MB · Libre · Android 6 pataas

7:30 PM

Kanta mo, ikaw ang bahala.

Walang kasamang kanta ang BiritBox. Kopyahin ang sarili mong mga kanta mula sa phone, USB o computer papunta sa folder na Karaoke, o i-upload mula sa phone.

MIDIKARMP3MP4MP3 na may lyrics file (.lrc) · MP4 na video

Ang remote ng BiritBox sa phone: ang numero ng kanta, at ang keypad na may Kantahin na, Isunod, Bawiin at Ireserba.

8:00 PM

Lahat may remote.

I-scan ang QR sa stage. Kahit sino sa barkada, makakapili at makakapagreserba ng kanta mula sa sariling phone. Walang app na kailangang i-install sa phone.

9:15 PM

Babaan mo, Tito.

Babaan ang tono para abot mo ang high notes. Bagalan kung mabilis ang kanta.

Pang-TV din: gumagana sa Android TV gamit ang remote ng TV.

98

10:40 PM

Ang galing!

May drumroll, fanfare at palakpakan pagkatapos ng bawat kanta. Sino'ng pinakamataas ngayong gabi?

I-record pa ang birit mo, at pakinggan ulit kasama ang tugtog.

Mga tanong

Libre ba?
Oo, libre.
May kasama bang kanta?
Wala. Ikaw ang maglalagay ng sarili mong mga kanta: MIDI, KAR, MP3 na may LRC, o MP4.
Binuksan ko sa Facebook, ayaw mag-download.
Pindutin ang ⋮ sa kanang itaas at piliin ang "Open in browser" o "Buksan sa Chrome," tapos i-download ulit.
Paano i-install?
Buksan ang na-download na file. Kung magtanong ang phone, payagan ang pag-install mula sa browser mo.
Gagana ba sa phone ko?
Kung Android 6 pataas. Tingnan sa Settings › About phone › Android version.
Gumagana ba sa TV?
Oo, sa Android TV. May button remote din para sa mahilig mag-DIY: firmware ng button remote.

Ano'ng bago

v0.4.1 · Nobyembre 2026

11:59 PM

Isa pa! Sino'ng susunod?

I-download ang BiritBox

v0.4.1 · 11.7 MB · Libre · Android 6 pataas

Paano magsimula

  1. 1
    I-download at i-install

    Buksan ang file at payagan ang pag-install.

  2. 2
    Ilagay ang mga kanta

    Sa folder na Karaoke, o i-upload mula sa phone.

  3. 3
    Pindutin ang Stage

    Pili na ng kanta, at birit na!

QR code papunta sa biritbox.com/download
Nasa computer ka? I-scan gamit ang phone mo.